Biyernes, Nobyembre 30, 2007

sa sobrang ka-bangagan

sana nalang pala BSMath nalang ako.

I HAVE TO PULL THE RED STRING!

Sabado, Oktubre 20, 2007

ang dahilan

Bakit nga ba walang kalatoy-latoy ang aking sembreak?

Ito lang iyon:













Gusto kong may gawin ako, pero sa oras na maisipan ko nang gawin iyon, bigla na akong tatamarin.

'Yun 'yon.













Get me?

walang magawa

Naglaro ako ng volleyball kaninang umaga dahil sa wala akong magawa sa bahay.

Oo nga, bakasyon na. Akala ko mae-enjoy ko na ang ito. Hindi pala.

Ang gulo!!! Sabi ko:

1. Pipigain ko na ngayon ang aking creative juices. Hindi ko pala magagawa yun. Naiwan ko ang mga art materials ko at malamang hindi pwedeng magkalat sa bahay, makalat na nga eh.

2. Mag-e-exercise ako. Dahil nga sa may pusthan kami ni Bagyon, dapat lang. Pero, tinatamad ako eh. Kasabay pa nito ang pagka-dito ng ate kong kain nang kain. Buti nalang dalawang araw lang ang day-off nya.

3. Makakapagsulat ulit ako ng tula. Pero 'di pa gumagana ang utak ko hanggang sa ngayon.

4. Makakapagbasa ako ng mga libro. Oo, nabasa ko ulit si Bob Ong at si Pol Medina Jr.

5. Mag-aaral(?) ako. *hehe*

Kakaunti palang dyan ang nagagawa ko. At sa October 30 na ang balik ko sa Baguio. Goodluck naman sa'kin nun.

kwento pa tayo...

Kami ngayon ay nakatira sa isang warehouse.

Noong una pang pag-akyat ng nanay ko sa Baguio eh naitanong ko na kung kamusta na ang aming bahay. Kasi siguro naman eh luminis na siya dahil nga dun na ko sa Baguio nakatira, kaya inaasahan ko na umayos at luminis na ang aming bahay. Sa kasamaang palad, hindi pala tama ang inasahan ko.

Pagkauwing-pagkauwi ko palang...*hehe*...ganoon parin pala. Nakakita pa ako ng vines sa katapat naming bahay. Sa tingin ko may mini pond sa tapat namin kapag umuulan na siyang pagmumulan ng dengue. Masaya yun.

Pagkapasok ko ng bahay namin, nakahanda na akong matuwa dahil sa ayos ng mga gamit...*wahaha!*...biglang umurong ang ngiti ko. Kung paano ko naiwan ang mga gamit noong umalis ako, ganoon parin, may mga dumagdag pa, iilang kahon din 'yun, 'di ko pa alam kung anong laman ng mga 'yon. rarr...

Eto lang masasabi ko: SUMIKIP LALO ANG BAHAY

Biyernes, Oktubre 19, 2007

Bagong Bahay/Buhay

onga pala, bago ko pala 'tong blog.

kung gusto nyong magbasa ng pagkahaba-habang talambuhay ko noong hayskul ako,

i-click 'nyo 'to!

wajee!

Lunes, Oktubre 15, 2007

nakabalik na rin

"Hala...tumaba ka ineng"

weh??? di nga??? kala ko nga pumayat pa ko eh...tsktsk...

"Mamabear, pa-hug....*hug*....ui, sumexy ka..."

aba'y salamat 'nak...

"Ate niks, pumayat ka."

weh di nga Binotch???

"Mas gusto ko buhok mo ngayon, mas gumanda ka."

woohoo! lakas pambobola mo Nissi!!! Salamat! /*wala, na-flatter ako eh*/

"Aba, tumaba ka ah...siguro may nagpapataba sa'yo..."

shaddap...stress lan yan...


Yan, yan ang mga narinig ko noong muli nila akong nakita....


Bakit kaya sa dinami-dami ng pwedeng sabihin eh itsura ko pa ang pinag-diskitahan????

Sorbetes...

Hindi lang naman dahil sa kailangan ko munang umuwi kaya bumaba ako ng QC. May trabaho pa kong tatapusin. Nandyan yung kina Dora na hindi-ko-na-nga-dapat-alalahanin-kasi-hindi-siya-ka-aya-ayang-alalahanin, pero inaalala ko pa rin. Tapos yung kay Janmarc na ewan ko ba kung bakit sa akin pa nagdrama noong biyernes. eta. wasted ako neto.

Sabado, ayan na, lumabas na ako ng bahay para naman magpakita sa mga tao. Andun kami sa sundayschoolroom/musicstudio/moviehouse kasi mag-eensayo sila para kinabukasan. Buti nalang tugtugan ang gagawin nila kung hindi mababagot talaga ako.

Ensayo, ensayo, ensayo. Iisa o dadalawang awit lang pala ang itutugtog nila sa para sa maghapong ito. Wala na, nabagot na ako. Buti nalang may pera pa ako, bumili nalang ako ng sorbetes.

Isang cup ng Vanilla IceCream ang nabili ko. Buti may konsepto pa ako ng pagkain...

Naubos ko naman. Ang sarap ng kain ko....

Lunes, Setyembre 3, 2007

Dito nagsimula: Ika-dalawampu’t dalawa ng Agosto, taong dalawanglibo’t pito

“Ma, may walkout bukas, darating ang board of regents for a meeting tungkol sa implementation ng lab fee increase. Makikisama ako.”

“Basta ba alam mo ang ipinaglalaban mo at mga consequence sa pagsama mo. Are you with a group? What’s the group?”

“Oh yeah. Buong university kasama.”

“Good luck.”


August 21, 2007, nagpaalam ako sa nanay ko na makikisama ako sa walkout kinabukasan. Ahehe, nagpaalam pa eh…

***

Siguro hindi na magugulat ang nanay ko sa ganitong mangyayari.

Siguro lang.

Namana ko ata ‘to sa kanila eh.

Oo, tibak sila NOON.

Sabi nila, iba na raw ang kaso ngayon. Magulo na. ‘Di katulad noong kapanahunan nila.

Sa tingin ko, tama sila.

***

Umaga, maaga akong pumasok sa campus para manood ng “House Blessing” ng bagong CSS Building. Mag-a-alas-otso na nun. Una kong nakita si C*****, na super late na pala sa klase niya.

Bumaba kami sa aming “bahay”.

Kalalakihang nakabahag ang unang bumulaga sa akin. Natuwa ako. Astiiiig!

Nakita ko si C***, tapos si A******, may hawak na camera.

“Punta na tayo dun.” Sabi ni Sir.

So ayun, bumaba na kami. Kami nalang ni A****** ang natira sa batch namen. Nawala si C***, nagrereview naman si C*****, naiwan sa “bahay”.

As usual, may mga bigating mga panauhin ang ribbon-cutting. Kaya dumistansya na ko. Dun ako sa second floor. O kaya sa gilid, malapit na sa labasan. Ayun, may nag-speech, gumupit ng ribbon, nagdasal, nag-gongs, sumayaw, at siyempre may mga usyoso. Isa na ko sa mga yun. Nakadungaw sa second floor. Bumaba sa first floor noong nasa third floor na ang mga special guest.

Natapos na rin. Wala pa si B*****. Tinext ko na siya. Hahabol daw.

Inimbitahan akong makisalo sa handaan sa ikatlong palapag. Nakisalo naman daw ako.

Tapos na ang kainan. Lumabas ako sa kwarto. Nakita ko si B*****. Nagpasama ako sa CR.

Paglabas ko naka-pula na ako.

***

“Dude, malapit na alas-diyes!”

“Una na ko ah.”
sabay akyat na sa lobby si blocrep.

***

“WALKOUT! WALKOUT!” narinig na namin ang mga sigaw.

Simula na.

Pagka-akyat namin, sumalubong na sa amin ang mga taong naka-pula. Ayos, marami-rami kami. Pumalikod kami. Basta, sunod lang.

***

Para akong batang kakatungtong palang sa perya sa tuwa. Dahil ba sa unang sabak ko sa ganitong gawain? Dahil ba sa nagawa kong isigaw na sa madla ang nais naming iparating? Dahil ba sa nagkaisa ang ka-estudyantehan? Siguro oo, oo, at oo.

Nasa tapat na kami ng lobby.

“ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!"

Kasama ko ang mga kaibigan ko.

“…KARAPATAN NG MAMAMAYAN, EDUKASYON! EDUKASYON!”

Nasa kabilang dulo ang mga ka-acad bloc ko.

“…AGKAYKAYSA NGA MANGIPUKKAW, KAI-IGOROTAN LUMABAN!”

Nakisama pa ako sa community dance ng PAGTA.

Iba ang pakiramdam. Hindi ko mawari kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Bago siya. Nagising bigla ang aking pag-iisip.

***

Na-implement na ang LabFI sa UPM. Sabi naman nila, mga estuyante naman daw ang nag-request nun. Wala kayang tumutol? Sa kaso naman ng UPB, nalaman ko nalang na may consultation ng LabFI noong may mga nakapaskil na nagsasabi na magsuot daw ng itim.

Marami kaming tanong.

Marami doon ang naitanong.

Iilan lang ang nasagot nang maayos.

“Brainwash. Brainwash.” narining ko si B*****, bumubulong.

***

“Dumadaloy sa dugo natin ‘tol!”

“Oo nga.”


***

“Ms. S*******, wala ka ata kanina sa class ko. Naki-walkout ka ba?”

Text sakin ng instructor ko sa na-walkout-an kong klase.

“Opo sir, naki-walkout ako.”

_____

Ika-dalawampu’t dalawa ng Agosto. Unang sabak ko. Freshie ako. Hanggang kalian kaya ako tatagal sa ganitong gawain?

____

Ika-tatlumpu ng Agosto. May bumaliktad sa amin. Tama ba?

Linggo, Agosto 26, 2007

Bagong Pamilya



PIC 19th Batch
...
HAPI-HAPI PERIOD!!!!!

Friday the 13th: Kabaliktaran ng Nakagawian.

Ang henna tattoo ko noong fourth year JS Prom...yeahboi...


***
Mga 10pm na ko nakauwi galing sa Salakniban sa aming pinakamamahal na unibersidad. Masaya ako. Natutuwa ako! Kahit na sooooobrang wasted ako pagkatapos ng community dance, na-enjoy ko naman. Hindi ko aakalaing ganito ang mga gagawin ko ngayong simula ng aking unang taon sa kolehiyo. Well, para malaman nyo kung bakit hindi ko inakala na ganito nga ang mga gagawin ko, magbibigay ako ng mga Gawain ko noong hayskul.

Unang-una sa listahan: LONER AKO…NOON
~ hindi ko naman maitatanggi yan eh, kahit tanungin mo pa ang mga naging kaklase ko noong hayskul. Doon ko unang naisipang magsulat, magbasa, kumanta, at gumuhit. MAG-ISA.

Pangalawa sa listahan: Hindi ako active sa klase.
~ hehe, kahit hanggang ngayon(bleh!). Hindi man lang ako marunong mag-recite except noong 3rd year statistics na kung saan walang isang araw na hindi ka tatawagin para mag-recite. At madalas ang sagot ko sa aming guro ay: “Sir, ‘di ko alam.” At syempre, ayos lang yun…saken. Hindi ako ang unang papasok sa utak mo pag naghahanap ka ng representative ng grupo mo. Hindi ako ang unang papasok sa utak mo pag maghahanap ka ng tutor sa math (malamang, hindi naman ako mahal ng math eh.).

Pangatlo: Hindi ako friendly!
~ sabi ko nga, loner ako. Yung tipong pag katabi lang kita sa klasrum dun lang kita makikilala ng husto. Hindi pa kita dadaldalin kahit ano pang daldal mo saken. Magiging close tayo pag ikaw ang unang lumapit. O kaya, lalapitan kita pag makikinabang ako sa katalinuhan mo. Haii. So selfish!

Pang-apat: Hindi mo ako makikitang naka-ngiti.
~ unless masaya ka talaga kasama. O kaya, nakapasa ako sa math. O kaya nakarinig nanaman ako ng kakornihan at gusto kong upakan yung nag-joke…pero ngiti nalang ang pinamalit ko sa kakornihan niya.

Pang-lima: Hindi ako marunong mangulit.
~ mas gusto ko ang katahimikan, ka-seryosohan, o kung ano mang kagaguhan na pinaggagagawa ko noong hayskul ako. Actually, katangahan pala yun. Kaya mabibilang lang sa mga kuko ko ang mga close friends ko, pano ba naman? hindi ba naman daw marunong maki-trip! Tatlong taon akong ganun.

At huli: Hindi ako marunong mag-share ng talento.
~ hindi man lang ako sumama sa singing contest sa skul o kaya makipag-kaibigan sa mga musikero para makasali sa battle of the bands. Ayan…nagsisisi tuloy ako!

Pero sabi ko nga sa sarili ko noong huling taon ko sa hayskul. MAGBABAGO NA ‘KO! Tae, kolehiyo na ko, hindi na uubra ang hiya sa buhay na ito! Argh! Kaya dapat simulan ko na pakunti-kunti. Ayon, masaya naman. na-enjoy ko ang aming Court Scene(Crime and Punishment), El Fili(nakalimutan ko na yung chapters), at Wicked(kahit na minadali namin yun). At ang kinalabasan…hmm…TOPAK…ayun, at last may achievement na ko, medyo normal na ang aking self-esteem. Hindi kagaya noon na pababayaan ko na ang iba na gumawa ng isang bagay na gustong-gusto mo talagang gawin. Yung pakiramdam ng pagsisisi sa isang bagay na hindi mo nagawa eh medyo nawawala na. Kaya masaya ako.

Ngayon, nasimulan ko ang aking unang taon sa kolehiyo ng may ngiti. Kahit na takot parin ako sa mga kaklase kong suuuper henyo, sige ayos lang, basta masaya ka sa ginagawa mo, hindi ka nagkukulong at gumagawa ng mga bagay na hindi mo naman talaga gusto. Yun ang mas masakit, ang isiping may pwede ka naman gawin pero taliwas naman sa gusto mo ang pinaggagagawa mo.

Masaya ako ngayon dahil nagagawa ko ang gusto ko. Hindi ako nagdadalawang-isip sa mga bagay na gusto kong gawin at ipakita sa mundo. Gagawin ko ang alam kong makapagpapasaya sa akin. Sa ngayon, wala pa akong bahid ng pagsisi. Masaya ako sa lugar na ginagalawan ko ngayon. Masaya ako sa mga taong nakakasalamuha ko. At siyempre ako, sinisigurado kong nasisiyahan din sila sa akin. Masarap sa pakiramdam. Akala ko noong una ay babalik ako sa nakagawian, sa tahimik, malamig at blanko kong mundo. Pero hindi pala. Masaya ako kasi alam kong may naniniwala sa mga kakayahan ko. Masaya ako kasi hindi ko na kailangang itago ang sarili ko. Malaya ako. At iyon ang gusto ko. Doon ako masaya.

July 13, 2007
ewna ko na kung anong oras

Ang Preyshi Nayt

/*ang ating logo...na hindi pa tapos...*/
/*wala pa siyang laman......................*/


Sa wakas, natapos na rin.

Maingay na ang aking paligid, mga nananabik na mga kaluluwa ang naglalaro sa aking pandinig. Ako, ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga katagang:

“Hindi ba kayo kinakabahan? Kabahan naman kayo!!!”

At iyon na nga, natawag na ang aming pangalan.

“First place goes to PIC!”

Lalo pang umingay ang aking paligid. Nagsitakbuhan na ang aking mga kasama. Ako, natuwa ako. Hindi ko na alintana ang mga tao sa paligid. Tuluy-tuloy na akong nagtatatalon. Wala nang pakealamanan, nanalo kami!!! Diretso kami sa stage…*click!* *click!*…oh yeah, picture session sa entablado.

“O *insert name here*, panalo tayooooo!!!”

Iyon, at iyon nalang ang naibigkas ko noong oras na iyon. Kasabay pa ang sigawan at yakapan kasama ang mga manong at manang naming sa PIC. Lahat ata silang naroon ay napasalamatan ko sa kanilang suporta. At siyempre, pati puso ko eh ngumiti para sa mga batchmates ko! Kahit na ganoon lang kami ka-konti noong pagtatanghal, siguro naman ginawa naming nang sagad-sagaran itong pagpapamalita namin sa mga kapwa naming mga UPians. Natuwa ako dahil nagkaisa kami. Natuwa ako dahil sa mga nagdaang mga araw ay nakilala ko ang bawat isa sa aking mga batsmets. Sana magtagal ang batch na ito. Sana dumami pa kami. Sana.

Alam ko, dito magsisimula ang isang bagong pamilya. Isang grupo ng mga tao na may iba’t-ibang pananaw sa buhay, iba’t-ibang hilig, iba’t ibang trip. Sa isang grupong ito, magiging masaya rin ako. Na kahit malayo ako sa aking kinamulatan, may matatakbuhan ako.

Eto, eto ang PIC. Mga ate, kuya, at mga kakosang magtutulungan, magdadamayan, at magbibigay-kulay sa aking buhay UPian.

Katam

Tumatakbo ang oras...


Akala ko magpapakatino na ako. Akala ko magpapaka-henyo na ako. Akala ko yakang-yaka ko ang comsci. Akala ko hindi na ako tatamarin.

Hindi pala totoo lahat ng mga akala ko.

Sabi ko sa sarili ko, magpapakatino na ako. Eta, wala parin.

Ngayon, dapat ay gagawa ako ng aking program sa comsci. At ayun. Walang lumalabas sa utak ko. Bakit nga ba comsci pinili ko?:

1. Wala na akong mailagay na course noong araw na ipapasa ko na ang application form ko para sa UPCAT.
2. Ayokong mag physics, math, bio, comm….at takot akong mag-talent test sa FA.
3. Walang HRM o kaya tourism sa Baguio.
4. At dahil sa…sa…uhmmm…ano pa ba????

Ayun, magagandang dahilan. Parang wala lang noh?

Sabi ng kuya ko, sisiw lang daw ang C programming. Oo nga, sisiw lang siya. Para sa kanya! Ako kahit sa lecture lang eh nosebleed ba ko, pano pa kaya pag hands-on na?!

Sa bio naman, kung gaano katalino ang instructor namen, ganun kalabo ang natututunan ko sa kanya. Miss ko na teacher namen sa calculus noong fourth year, pati chem teacher namen noong first quarter fourth year. Haii miss ko na teaching style nila.

Sana kung naiintindihan ko ang mga lessons eh gaganahan akong mag-aral. Hindi eh. Oh well, sorry nalang sa sarili ko. Wala pa akong instructor na ganoon magturo. Pero sana may makita ako.

Patapos na ang araw, blanko parin ang utak ko. Kasama ang musika at isang baso ng kape, patuloy paring gumagana ang katamaran sa aking sistema.