Linggo, Agosto 26, 2007

Bagong Pamilya



PIC 19th Batch
...
HAPI-HAPI PERIOD!!!!!

Friday the 13th: Kabaliktaran ng Nakagawian.

Ang henna tattoo ko noong fourth year JS Prom...yeahboi...


***
Mga 10pm na ko nakauwi galing sa Salakniban sa aming pinakamamahal na unibersidad. Masaya ako. Natutuwa ako! Kahit na sooooobrang wasted ako pagkatapos ng community dance, na-enjoy ko naman. Hindi ko aakalaing ganito ang mga gagawin ko ngayong simula ng aking unang taon sa kolehiyo. Well, para malaman nyo kung bakit hindi ko inakala na ganito nga ang mga gagawin ko, magbibigay ako ng mga Gawain ko noong hayskul.

Unang-una sa listahan: LONER AKO…NOON
~ hindi ko naman maitatanggi yan eh, kahit tanungin mo pa ang mga naging kaklase ko noong hayskul. Doon ko unang naisipang magsulat, magbasa, kumanta, at gumuhit. MAG-ISA.

Pangalawa sa listahan: Hindi ako active sa klase.
~ hehe, kahit hanggang ngayon(bleh!). Hindi man lang ako marunong mag-recite except noong 3rd year statistics na kung saan walang isang araw na hindi ka tatawagin para mag-recite. At madalas ang sagot ko sa aming guro ay: “Sir, ‘di ko alam.” At syempre, ayos lang yun…saken. Hindi ako ang unang papasok sa utak mo pag naghahanap ka ng representative ng grupo mo. Hindi ako ang unang papasok sa utak mo pag maghahanap ka ng tutor sa math (malamang, hindi naman ako mahal ng math eh.).

Pangatlo: Hindi ako friendly!
~ sabi ko nga, loner ako. Yung tipong pag katabi lang kita sa klasrum dun lang kita makikilala ng husto. Hindi pa kita dadaldalin kahit ano pang daldal mo saken. Magiging close tayo pag ikaw ang unang lumapit. O kaya, lalapitan kita pag makikinabang ako sa katalinuhan mo. Haii. So selfish!

Pang-apat: Hindi mo ako makikitang naka-ngiti.
~ unless masaya ka talaga kasama. O kaya, nakapasa ako sa math. O kaya nakarinig nanaman ako ng kakornihan at gusto kong upakan yung nag-joke…pero ngiti nalang ang pinamalit ko sa kakornihan niya.

Pang-lima: Hindi ako marunong mangulit.
~ mas gusto ko ang katahimikan, ka-seryosohan, o kung ano mang kagaguhan na pinaggagagawa ko noong hayskul ako. Actually, katangahan pala yun. Kaya mabibilang lang sa mga kuko ko ang mga close friends ko, pano ba naman? hindi ba naman daw marunong maki-trip! Tatlong taon akong ganun.

At huli: Hindi ako marunong mag-share ng talento.
~ hindi man lang ako sumama sa singing contest sa skul o kaya makipag-kaibigan sa mga musikero para makasali sa battle of the bands. Ayan…nagsisisi tuloy ako!

Pero sabi ko nga sa sarili ko noong huling taon ko sa hayskul. MAGBABAGO NA ‘KO! Tae, kolehiyo na ko, hindi na uubra ang hiya sa buhay na ito! Argh! Kaya dapat simulan ko na pakunti-kunti. Ayon, masaya naman. na-enjoy ko ang aming Court Scene(Crime and Punishment), El Fili(nakalimutan ko na yung chapters), at Wicked(kahit na minadali namin yun). At ang kinalabasan…hmm…TOPAK…ayun, at last may achievement na ko, medyo normal na ang aking self-esteem. Hindi kagaya noon na pababayaan ko na ang iba na gumawa ng isang bagay na gustong-gusto mo talagang gawin. Yung pakiramdam ng pagsisisi sa isang bagay na hindi mo nagawa eh medyo nawawala na. Kaya masaya ako.

Ngayon, nasimulan ko ang aking unang taon sa kolehiyo ng may ngiti. Kahit na takot parin ako sa mga kaklase kong suuuper henyo, sige ayos lang, basta masaya ka sa ginagawa mo, hindi ka nagkukulong at gumagawa ng mga bagay na hindi mo naman talaga gusto. Yun ang mas masakit, ang isiping may pwede ka naman gawin pero taliwas naman sa gusto mo ang pinaggagagawa mo.

Masaya ako ngayon dahil nagagawa ko ang gusto ko. Hindi ako nagdadalawang-isip sa mga bagay na gusto kong gawin at ipakita sa mundo. Gagawin ko ang alam kong makapagpapasaya sa akin. Sa ngayon, wala pa akong bahid ng pagsisi. Masaya ako sa lugar na ginagalawan ko ngayon. Masaya ako sa mga taong nakakasalamuha ko. At siyempre ako, sinisigurado kong nasisiyahan din sila sa akin. Masarap sa pakiramdam. Akala ko noong una ay babalik ako sa nakagawian, sa tahimik, malamig at blanko kong mundo. Pero hindi pala. Masaya ako kasi alam kong may naniniwala sa mga kakayahan ko. Masaya ako kasi hindi ko na kailangang itago ang sarili ko. Malaya ako. At iyon ang gusto ko. Doon ako masaya.

July 13, 2007
ewna ko na kung anong oras

Ang Preyshi Nayt

/*ang ating logo...na hindi pa tapos...*/
/*wala pa siyang laman......................*/


Sa wakas, natapos na rin.

Maingay na ang aking paligid, mga nananabik na mga kaluluwa ang naglalaro sa aking pandinig. Ako, ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga katagang:

“Hindi ba kayo kinakabahan? Kabahan naman kayo!!!”

At iyon na nga, natawag na ang aming pangalan.

“First place goes to PIC!”

Lalo pang umingay ang aking paligid. Nagsitakbuhan na ang aking mga kasama. Ako, natuwa ako. Hindi ko na alintana ang mga tao sa paligid. Tuluy-tuloy na akong nagtatatalon. Wala nang pakealamanan, nanalo kami!!! Diretso kami sa stage…*click!* *click!*…oh yeah, picture session sa entablado.

“O *insert name here*, panalo tayooooo!!!”

Iyon, at iyon nalang ang naibigkas ko noong oras na iyon. Kasabay pa ang sigawan at yakapan kasama ang mga manong at manang naming sa PIC. Lahat ata silang naroon ay napasalamatan ko sa kanilang suporta. At siyempre, pati puso ko eh ngumiti para sa mga batchmates ko! Kahit na ganoon lang kami ka-konti noong pagtatanghal, siguro naman ginawa naming nang sagad-sagaran itong pagpapamalita namin sa mga kapwa naming mga UPians. Natuwa ako dahil nagkaisa kami. Natuwa ako dahil sa mga nagdaang mga araw ay nakilala ko ang bawat isa sa aking mga batsmets. Sana magtagal ang batch na ito. Sana dumami pa kami. Sana.

Alam ko, dito magsisimula ang isang bagong pamilya. Isang grupo ng mga tao na may iba’t-ibang pananaw sa buhay, iba’t-ibang hilig, iba’t ibang trip. Sa isang grupong ito, magiging masaya rin ako. Na kahit malayo ako sa aking kinamulatan, may matatakbuhan ako.

Eto, eto ang PIC. Mga ate, kuya, at mga kakosang magtutulungan, magdadamayan, at magbibigay-kulay sa aking buhay UPian.

Katam

Tumatakbo ang oras...


Akala ko magpapakatino na ako. Akala ko magpapaka-henyo na ako. Akala ko yakang-yaka ko ang comsci. Akala ko hindi na ako tatamarin.

Hindi pala totoo lahat ng mga akala ko.

Sabi ko sa sarili ko, magpapakatino na ako. Eta, wala parin.

Ngayon, dapat ay gagawa ako ng aking program sa comsci. At ayun. Walang lumalabas sa utak ko. Bakit nga ba comsci pinili ko?:

1. Wala na akong mailagay na course noong araw na ipapasa ko na ang application form ko para sa UPCAT.
2. Ayokong mag physics, math, bio, comm….at takot akong mag-talent test sa FA.
3. Walang HRM o kaya tourism sa Baguio.
4. At dahil sa…sa…uhmmm…ano pa ba????

Ayun, magagandang dahilan. Parang wala lang noh?

Sabi ng kuya ko, sisiw lang daw ang C programming. Oo nga, sisiw lang siya. Para sa kanya! Ako kahit sa lecture lang eh nosebleed ba ko, pano pa kaya pag hands-on na?!

Sa bio naman, kung gaano katalino ang instructor namen, ganun kalabo ang natututunan ko sa kanya. Miss ko na teacher namen sa calculus noong fourth year, pati chem teacher namen noong first quarter fourth year. Haii miss ko na teaching style nila.

Sana kung naiintindihan ko ang mga lessons eh gaganahan akong mag-aral. Hindi eh. Oh well, sorry nalang sa sarili ko. Wala pa akong instructor na ganoon magturo. Pero sana may makita ako.

Patapos na ang araw, blanko parin ang utak ko. Kasama ang musika at isang baso ng kape, patuloy paring gumagana ang katamaran sa aking sistema.