Sabado, Oktubre 20, 2007

ang dahilan

Bakit nga ba walang kalatoy-latoy ang aking sembreak?

Ito lang iyon:













Gusto kong may gawin ako, pero sa oras na maisipan ko nang gawin iyon, bigla na akong tatamarin.

'Yun 'yon.













Get me?

walang magawa

Naglaro ako ng volleyball kaninang umaga dahil sa wala akong magawa sa bahay.

Oo nga, bakasyon na. Akala ko mae-enjoy ko na ang ito. Hindi pala.

Ang gulo!!! Sabi ko:

1. Pipigain ko na ngayon ang aking creative juices. Hindi ko pala magagawa yun. Naiwan ko ang mga art materials ko at malamang hindi pwedeng magkalat sa bahay, makalat na nga eh.

2. Mag-e-exercise ako. Dahil nga sa may pusthan kami ni Bagyon, dapat lang. Pero, tinatamad ako eh. Kasabay pa nito ang pagka-dito ng ate kong kain nang kain. Buti nalang dalawang araw lang ang day-off nya.

3. Makakapagsulat ulit ako ng tula. Pero 'di pa gumagana ang utak ko hanggang sa ngayon.

4. Makakapagbasa ako ng mga libro. Oo, nabasa ko ulit si Bob Ong at si Pol Medina Jr.

5. Mag-aaral(?) ako. *hehe*

Kakaunti palang dyan ang nagagawa ko. At sa October 30 na ang balik ko sa Baguio. Goodluck naman sa'kin nun.

kwento pa tayo...

Kami ngayon ay nakatira sa isang warehouse.

Noong una pang pag-akyat ng nanay ko sa Baguio eh naitanong ko na kung kamusta na ang aming bahay. Kasi siguro naman eh luminis na siya dahil nga dun na ko sa Baguio nakatira, kaya inaasahan ko na umayos at luminis na ang aming bahay. Sa kasamaang palad, hindi pala tama ang inasahan ko.

Pagkauwing-pagkauwi ko palang...*hehe*...ganoon parin pala. Nakakita pa ako ng vines sa katapat naming bahay. Sa tingin ko may mini pond sa tapat namin kapag umuulan na siyang pagmumulan ng dengue. Masaya yun.

Pagkapasok ko ng bahay namin, nakahanda na akong matuwa dahil sa ayos ng mga gamit...*wahaha!*...biglang umurong ang ngiti ko. Kung paano ko naiwan ang mga gamit noong umalis ako, ganoon parin, may mga dumagdag pa, iilang kahon din 'yun, 'di ko pa alam kung anong laman ng mga 'yon. rarr...

Eto lang masasabi ko: SUMIKIP LALO ANG BAHAY

Biyernes, Oktubre 19, 2007

Bagong Bahay/Buhay

onga pala, bago ko pala 'tong blog.

kung gusto nyong magbasa ng pagkahaba-habang talambuhay ko noong hayskul ako,

i-click 'nyo 'to!

wajee!

Lunes, Oktubre 15, 2007

nakabalik na rin

"Hala...tumaba ka ineng"

weh??? di nga??? kala ko nga pumayat pa ko eh...tsktsk...

"Mamabear, pa-hug....*hug*....ui, sumexy ka..."

aba'y salamat 'nak...

"Ate niks, pumayat ka."

weh di nga Binotch???

"Mas gusto ko buhok mo ngayon, mas gumanda ka."

woohoo! lakas pambobola mo Nissi!!! Salamat! /*wala, na-flatter ako eh*/

"Aba, tumaba ka ah...siguro may nagpapataba sa'yo..."

shaddap...stress lan yan...


Yan, yan ang mga narinig ko noong muli nila akong nakita....


Bakit kaya sa dinami-dami ng pwedeng sabihin eh itsura ko pa ang pinag-diskitahan????

Sorbetes...

Hindi lang naman dahil sa kailangan ko munang umuwi kaya bumaba ako ng QC. May trabaho pa kong tatapusin. Nandyan yung kina Dora na hindi-ko-na-nga-dapat-alalahanin-kasi-hindi-siya-ka-aya-ayang-alalahanin, pero inaalala ko pa rin. Tapos yung kay Janmarc na ewan ko ba kung bakit sa akin pa nagdrama noong biyernes. eta. wasted ako neto.

Sabado, ayan na, lumabas na ako ng bahay para naman magpakita sa mga tao. Andun kami sa sundayschoolroom/musicstudio/moviehouse kasi mag-eensayo sila para kinabukasan. Buti nalang tugtugan ang gagawin nila kung hindi mababagot talaga ako.

Ensayo, ensayo, ensayo. Iisa o dadalawang awit lang pala ang itutugtog nila sa para sa maghapong ito. Wala na, nabagot na ako. Buti nalang may pera pa ako, bumili nalang ako ng sorbetes.

Isang cup ng Vanilla IceCream ang nabili ko. Buti may konsepto pa ako ng pagkain...

Naubos ko naman. Ang sarap ng kain ko....