Lunes, Marso 31, 2008

Kulang nanaman sa pansin...

~~~~~
ika-23 ng Marso, taong 2008...

~ Sinubukan kong hindi umiyak, pero wala nang nagawa, nangyari na ang hindi dapat mangyari.~

Ano ba kasi ang pipiliin ko? Ang umalis nanaman at gawin ang kailangan kong gawin? O ang maging maluwag sa mga kaibigan ko at magpatuloy na gawin ang nakagawian na?

Hindi kasi ganon kadali ang pumili sa dalawa. Matagal na nga akong wala sa piling ng mga kaibigan ko at kailangan kong bumawi. Magshi-shift din ako at kailangan ko ring bumawi sa mga subjects ko. Yun lang naman ang problema eh.


~~~~~
ika-28 ng Marso, taong 2008

~Gusto kong bumati ng "hi" at mag-ingay sa harap nila. Pero hindi ko alam kung pwede ba yun sa mga panahong iyon. Sa panahong hindi ko kayang tumingin sa kanilang mga mata nang matagalan.~

Nahihiya na ako sa mga taong ngayon kasi pakiramdam ko nawawalan na ako ng kontrol sa pakikipag-usap sa mga tao. Nawawalan na ako ng konsepto ng respeto. Feeling ko naman kasi noon, pwede na akong makipag-usap ng lantaran sa mga tao. Pero ngayon parang hindi ko na magagawa yun. Sino nga ba kasi ako? Isa lamang akong hamak na batang walang talab sa may kapangyarihan.

~~~~~
ika-31 ng Marso, taong 2008

~Dapat wala ako dito eh. Wala naman akong pakinabang.~

HINDI KO NA MAHANAP ANG SARILI KO.