Huwebes, Setyembre 11, 2008

Ngarag na ako dito sa bahay


Nakaka-asar. Natatakot na ako dito sa kwarto ko. Ang tahimik eh, paano ba naman, wala nanaman akong kasama dito sa floor namin. Wala na kasi akong roommate at ang pinsan ko ay umuwi muna sa Bontoc.

Ayoko din naman ng maingay dito sa floor namin pero kasi parang walang kabuhay-buhay dito pag wala akong kasama. Si Pikachu lang kasama ko dito ngayon at magsi-sleepover lang siya dito kasi naiwan lang siya sa office ng kanyang PokeMaster.

Magulo pa kwarto ko. Nakakahiya na nga kung aakyat ulit si mama o si ate eh. Paano ba naman, 'di man lamang ako makapag-walis araw-araw. Bumili na nga si mama ng mga organizer pero hindi ko pa naaayos mga gamit ko. Tatatlong bag na nga ata yung nakahandusay sa upuan ko dito, hindi pa kasama dun yung iba ko pang readings, libro, at abubot na hindi ko pa nailalagay sa tamang lalagyan.

May virus pa 'tong PC ko. Hmph. Linsyak na paper yan sa Hist117, linsyak na katopakan ng Globelines sa internet connection ko. 'Yan tuloy, nahawaan ng siyam na virus ang PC ko.

Puro reklamo nalang, haii. Kalungkot eh. Haggardous pa ko. Ewan ko nga kung bakit pa kasi ako napasok dito....

Walang komento: