Huwebes, Hunyo 4, 2009

June Rains

Bale ayun. Kakatapos ko lang magbayad ng tuition ko kahapon at ngayon nakatambay lang ako dito sa kwarto ko. Hmm, kabaliw. Gustuhin ko man na makauwi sa QC at muling maglabas-pasok sa bahay namin para lang tumambay sa bahay ng iba eh wala akong magagawa. Wala na akong pang gastos, wala nang pang kain ng marami. Grabe, ang lakas ng ulan.

Sana naman matigil na 'to sa pasukan. Paano ba naman, unang araw ng pasukan eh ma-bagyo. Tapos 'di mo pa alam kung may pasok ba o hinde. Haii, kaloka. Nakakatawa nga eh, parang buong buhay ko na lang dito sa Baguio eh maulan. Kung hindi naman ganun, pag umuuwi ako ng QC saka umuulan o kaya bumabagyo sa Baguio (bumabagyo sa Baguio. wahu). Ewan, nakakatawa na lang.

Excited na ko sa pasukan. Kasabay naman nun eh ang pagkaburyong sa kwarto ko. Minsan may mga naiisip akong pwedeng gawin habang wala pa masyadong ginagawa sa klase, kasi alam kong 'di ko na yun magagawa pagkatagal. Pero pag naiisip ko na yung mga yun, medyo tinatamad na kong gawin. Paano ba naman, masyado akong concerned sa kwarto ko. Ayoko ng masyadong magulo, ayoko ng masyadong makalat. Sa pagkakaalam ko sa sarili ko, makalat ako gumawa ng kung ano mang pweeng gawin. Mula sa mga drawing, sulat, at research paper, sa unang tingin pa lang, ang sarap nang itapon sa basurahan.

Nung enrollment, hindi ko pa alam kung ano lahat ng grades ko. Medyo natatakot ako. paano ba naman, makikipagpustahan ako ng walang bagsakan eh baka ako pa yung may bagsak. Sa kabutihang palad naman eh masaya akong nakaraos sa 2nd sem ng 2nd year ko ng walang drop, walang kwatro, at isa lang ang tres. Masaya naman, pero nawindang naman daw ako sa mga grado ng iba kong mga kasama, mga bihira lang ang line of 2. Amf. Parang ang dali lang para sa kanila yun ah.

Dalawang araw na ang dumaan at hindi ko pa ma-absorb na may boyfriend na ko. Yung relasyon namin na akala ng iba eh nagsimula ilang buwan bago pa talaga nagkaroon. So ayun, kami na. Siguro naman wala nang mangunguna samen.

Sobrang buryong na ako dito sa kwarto ko. Sana naman may masayang pwedeng gawin...

Miyerkules, Pebrero 11, 2009

Hmm. Idle?

Idle ang aking blog simula nang maging sophomore ako... Actually mula second sem.

Ayun. Lagyan naman natin kahit isang maiksing post lang.

Linggo, Enero 25, 2009

AMUNGAN 2009


For Ticket Reservations, text nyo lang ako.
09297915622


Martes, Disyembre 23, 2008

Toxic fumes in my room and it's already December 23.




Malapit na ang pasko...

Wala pa rin ako dyan...

Handa na ang regalo...

Pero ang layo ng pagbibigyan...

Nakatambay sa bahay. Walang laman ang tyan.

Di ba dapat tumataba ako pag pasko?

*****

Wah. Toxic fumes ng textile paint na 'di ko naman alam kung pano gamitin. Buset, baka di na ko makagising bukas. Di ko pa nagustuhan yung pagkakagawa ko. Wasted.

Parang araw-araw na lang naghihintay ako. Sana naman makauwi na...

Ang dami pa palang gagawin. Kaya pala palagi akong pagod. Palagi akong wasted... Gaa...

*****

Lapit na Nikki, lapit na.

Sabado, Nobyembre 15, 2008

Araw ng Katamaran

Kakatapos ko lang kumain ng Yum at kasalukuyang kumakain ng Taquitos...

Parang ewan lang. Wala naman akong maikwento bukod sa pagiging tamad kong magbasa ng mga naitalagang babasahin para sa aking mga kurso. Nakaka-asar. Nauso pa kasi ang readings eh.

Text sa'kin ng nanay ko kaninang umaga nang sinabi kong haggard ako dahil maraming kailangang basahin: Mabuti yan at di ka na bibili-bili ng mga novels.

Ouch.

'Di naman ako totally tinamad, kaninang umaga nag-linis naman ako ng kwarto ko kaya masasabi kong may nagawa naman ako ngayong araw na 'to.

Wala na akong maikwento. Bukas na lang ulit. :D